Pumunta sa nilalaman

Gordianong Buhol

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Gordianong Buhol ay isang uri ng buhol, pagtali, o talibugso na nabanggit sa Griyegong alamat at mitolohiya. Ayon sa alamat, isa itong kumplikadong buhol ng talukap o balat ng puno na ginawa ni Gordius (kilala rin bilang Gordias), isang taong-bukid. Inilagay niya ang buhol sa kanyang bagon (karo o karwahe) upang sagisagin ang kanyang pagtalikod sa dati niyang buhay nang maging hari siya ng Prigia (kilala rin bilang Phrygia). May kaugnayan ito kay Alejandrong Dakila, sapagkat mayroong isang orakulo nagpahayag na kung sinuman ang makapagkakalas ng buho na ito ay siyang magiging mananakop ng Asya. Si Alejandrong Dakila ang pumutol ng buhol at naging katuparan ng hula. Sa pangkasalukuyang paggamit ng parirala, tumutukoy ang Gordianong Buhol ("ang pagputol sa Gordianong Buhol") sa anumang mahirap na suliranin o gawain.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Gordian Knot". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa G, pahina 454.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.